Yulpo Beach
Tuesday, May 22, 2007
It was hubby's aunt's birthday last Saturday kaya tumawag si byenan before that day at sama daw kami sa kanya.



Habang nasa daan kami ay nagtatawagan ang magkakapatid (mom in law and her brothers) na magkikita daw sa iisang daan at sabay-sabay silang tutuloy kina aunt. Hapon na kaming umalis kaya akala ko ay late kami pero kami pala ang pinakamaaga. Ang tagal nga naming naghintay.



Nang mag-meet na kami ay sinusundan namin sila. Kami ni hubby ang nasa hulihan. Akala namin ay tuloy na kami kina aunt then napansin ni hubby na paakyat pala kami ng bundok. Visit pala ng magkakapatid ang tomb ng mom nila (lola ni hubby). Tumigil si hubby, ayaw kasi nito ang nag-offer ng food sa patay then magba-bow pa lalo na't naka suit. Buti nga di umuulan. hehehe...Tumawag si byenan, akala niya naligaw kami, sabi ni hubby, wait na lang daw kami sa ibaba ng bundok. Ok naman si byenan, kilala niya ang anak niya eh. hehehe...



Habang naghihintay sa kanila ay nag-drive si hubby, gala daw kami. hehehe...Hayan nakapunta kami sa beach ng di oras hehehe...





Sa daan papunta kina aunt ay may nakita kaming pension house.


Pumunta kami doon at checked namin. Magpa-reserve daw kami sabi ni byenan at doon kami matutulog kung sakaling late ng matapos ang celebration. Maganda ang view kasi nasa itaas ng bundok.


If you remember green tea plantation, dinadaanan yon papunta sa house ni aunt. Binigyan niya kaming lahat ng green tea bago kami umuwi pati narin wine na gawa sa strawberries pero yong sa amin ay binigay namin kay byenan. Wala kasing iinom dito.


Masaya sana ang birthday kundi nag-away ang dalawang manugang ni imo(aunt). Ewan ko ba sa dalawa, di na pinalampas ang birthday saka madalang lang naman ang ganong okasyon kahit pa pagod sila. Haaayyy naku...

 
posted by idealpinkrose at Tuesday, May 22, 2007 | Permalink


16 Comments:


At 9:55 AM, Blogger the philosphical bastard

the green tea plantation looks very interesting. parang "signs"

 

At 10:07 AM, Anonymous ladycess

wow! ang ganda nung plantation na pabilog. parang the signs nga.
sana sa akin mo na lang binigay yung wine at tea (hehehe!)

 

At 6:23 PM, Blogger Princess of CJ

anong name ng pension house? ganda!

glad you still had fun! :D

 

At 7:27 PM, Anonymous ju

ganda ng place lalo na dun sa tea plantation. kahit di pa naiinom yung tea refreshng na ang feeling . heheh

 

At 10:50 PM, Anonymous ghee

wow!beach time na?dito rin,mainit na,pero di pa rin okay mag beach or mag pool,sa july pa talaga,mag tatag ulan na muna :)

ang ganda nung tea plantation,ang cute ng shape nya :)

 

At 4:44 PM, Anonymous ann

Nagandahan din ako sa tea plantation. Bakit kaya pabilog ang tanim nila? Design lang?

Kahit talaga saan di nawawalan ng KJ na tao, yun bang nakakasira ng mga okasyon na ganyan di ba?

 

At 11:52 PM, Anonymous ethel

sis muzta na jan,
grabeh ang ganda ng mga pics
lalo na yang plantaion na pabilog, amazing ganda ng pagka kuha :)
miz yah!

 

At 8:33 AM, Anonymous melle

try mo gawin business yung tea.. hahaha the place looks nice.. haha

 

At 12:43 PM, Anonymous Rachel

wow naman ang nice ng pension house tsaka ang ganda naman ng lugar nio ate ang gaganda ng mga view, sarap naman tumira dyan hehe. bait talaga ng byenan mo ang swerte mo bihira lang ang makatagpo ng ganyan. Godbless

 

At 8:51 PM, Blogger diane

wow, ganda nung pension house! sosyalin. haha.ü

 

At 5:22 AM, Blogger racky

pahingi ng tea! pampakinis ng green na kaliskis ko :D

 

At 5:24 AM, Blogger Yen Prieto

nice naman ng grean tea plantation.. nkakaengganyo tlaga mag kOREa WAAAAHH

 

At 10:27 AM, Anonymous lhadymitch

ang ganda ng place ha parang pag andyan ka nakakaalis ng pagod and fresh air haha d2 kc puro pulution!

I have 2 site and i update it same you can visit and link it http://lhadymitch.angelic-pink.net/claire and http://pinkalicious.us.to

 

At 9:41 PM, Anonymous yorokobee

kaaliw sa tea plantation para ngang the signs,hehe

 

At 12:55 PM, Anonymous jamie

gaganda naman... nice pics sis...

mukhang sarap ng pamamasyal mo ha. looks like a lot of fun.. good for u

 

At 5:51 PM, Anonymous kitty

green tea plantation, wow ganda hehee. pabilog sya? ang cute naman! and look at the beach!! ganda ng view ng ocean hayy, sarap mag stay at magmuni muni hehee. ate Rose may picture po ba kayo? wala lang, gustong gusto ko kasi makita pics ng bawat ka blogmates ko, If I see their pics para ko na rin sila nakakasama sa personal. kung ok lang naman po sa inyo. ingat pong palagi, God bless...

ps. ako ren po, dami ko ring nababasang maganda sa blog nyo. keep it up!


xoxox

 
Google