Cheonghakdong
Wednesday, December 20, 2006
Tumawag si mom in law last week. May nakita raw siya sa tv at gusto niyang puntahan, niyaya niya kmi ni hubby at dahil lakwatsa yon kaya game naman kaming mag asawa. Sabi pa niya na siya raw ang bahala sa food. Wow~ good! Kaya naman last Saturday ay pumunta kami sa Cheonghakdong.

Pag namamasyal kami ni hubby ay di kami gumagamit ng expressway papunta sa place na pupuntahan namin, kahit na paikot ikot pa ang daan at ilang oras pa ang abutin namin sa byahe. Gusto lang kasi naming i-enjoy ang sightseeings habang sa daan pa lang.

Ang mga bundok na dinaanan namin ay natatakpan ng mga ulap. see more mountains covered with mist....

Maaga kaming umalis kaya sa car na nga lang din kami nag breakfast, kinain namin yong kimbap na ginawa ni byenan. Ang dami nga niyang dalang baon na para bang lumaban sa gyera ang pakakainin niya...hehehe... Nagdala rin ako ng snacks.


Dinaanan din namin ang somjin gang (somjin river is one of the four largest waterways in korea). more views of the river here....

Meron ding small bridge and a park. Gusto ko sanang yayain si hubby na bumaba at tumapak sa sand pero andon si byenan kaya behave ang lola. hehe...Sabi ni hubby ay may natutulog daw na naka tent doon in summer.


Dumaan din kami sa choichampan. Pagdating namin tanong ni hubby kung gusto ko raw bang pumasok. May entrance fee kasi. Tanong ko naman kung ano ba ang makikita ko doon. Yong mga bahay daw na ginamit sa movie . Ngeekk...wag na lang, at baka di pa kami makarating sa gustong puntahan ni byenan. Apple village daw ang tawag sa place na yon pero wala naman akong nakitang apple, buti pang persimmons meron.


Sabi ni byenan ang pupuntahan namin ay ang mga bahay noong unang panahon at ang mga tao daw na nakatira doon ay mahahaba ang buhok at balbas. Naisip ko lang, di kaya mga ermitanyo ang mga taong yon?...hehehe...Pero sa kasamaang palad ay wala naman akong nakitang tao sa labas dahil siguro malamig at umuulan pa. Pero siguro ay ganito ang hitsura ng mga taong sinasabi niya.


Ang picture ay gawa sa tiles na nakita namin ng pumunta kami ng art museum na nasa itaas rin ng bundok.

Na feeling ko naman ay nasa tagaytay ako dito.


Heto ang mga bahay na nakita namin. see more houses here....


Ilang bundok rin ang dinaanan namin bago kami nakarating doon. see more mountains here....


Heto nga't may ganito pa just in case of emergency gaya ng sunog. At kahit saang lugar yata ay merong ganito na sinasabing panaboy sa mga multo...oo nga naman ako nga kahit di multo ay natatakot eh...hehe...


Ginabi na kami sa daan at thanks God dahil pagdating namin sa bahay ay saka nag snow. Kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sa amin doon dahil sa dami ng bundok na dinaanan namin.

Pahabol: I received a gift from lhadymitch. Ang ganda sis, graveh! You're so sweet! Thanks a lot! mwaaaahhhh....

 
posted by idealpinkrose at Wednesday, December 20, 2006 | Permalink


20 Comments:


At 1:37 PM, Blogger Mich

ang ganda ng place! parang ang lamig-lamig! ;)

 

At 4:09 PM, Anonymous gia

hi ate rose! xenxa na po kung di ako gaano nakakadaan. haii. wow! ang ganda naman po ng mga pics! ang ganda naman ng pinuntahan niyo! kakainggit! hehe. astig! :) cge po. happy holidays! mwaaahh!! God bless! ingat!

 

At 5:25 PM, Blogger cess

ganda ng korea! kelan kaya ako makakapunta dyan.

 

At 6:07 PM, Blogger mousey

solve na naman ang lakwatsa kung ganyan ang mga views.

 

At 6:09 PM, Anonymous Anonymous

asan ang snow? oo delikado buti na lang nakauwi na kayo. enjoy pala ang weekend mo at game na game din si MIL.

 

At 9:04 PM, Blogger racky

hiningal din ako sa roadtrip nyo ah ;)

dami palang interesting na pedeng pasyalan, sa susunod pede ka ng maging guide kapag nag-tour kami jan :D

 

At 12:43 AM, Blogger rHo

grabe! para na rin akong nakarating! twing nagpupunta ako sa bahay mo para akong nasa ibang world... ang gaganda ng place!!

merry christmas sa'yo and to your family! mwuahugggz! ingatz lagi!

 

At 1:06 AM, Blogger M I C H E L L E

nice photos, mukhang masarap dyan sa lugar na yan feeling ko nakapunta din ako sa mga kuha mo at nilamig :)

merry christmas!

 

At 10:44 AM, Anonymous ghee

ang ganda ng view,grabe!kaya lang parang ang ginaw nga,lalo na yung mountain na foggy :)

ano ang temp sa inyo?parang japanese din ang style nyo,ganyan kami,pag namamasyal at umaalis nang maaga,sa loob na ng sasakyan nag bi breakfast :)

Merry Christmas Rose!

 

At 3:11 PM, Anonymous ralphT

haha. namiss mo ang tagaytay? hehe

happy holidays! =)

 

At 8:09 PM, Anonymous mmy-lei

wow, lalo ako na-amaze sa mga pics mo.

na-miss ko ang kimbap nung nsa bangkok ako. may resto kasi dun na authentic korean. saka yung food ni yujin sa fullhouse. hehehe

happy christmas

 

At 10:33 PM, Anonymous celena

Wow. Puro bundok ata yan ah! Buti naman nagbehave ka sis sa harap ng iyong byenan! Nanibago ako ngayon ah...wala masyadong picture ng pagkain ha! Advanced merry xmas and a happy new year! *-* Mwah!

 

At 3:26 AM, Anonymous pao

great sceneries! mas maganda nga kung maraming side trips ang madadaanan kesa puro expressway lang.

do you celebrate x'mas? ilang oras na lang kasi at pasko na!

still, merry christmas to you & your loved ones! :)

 

At 3:59 AM, Anonymous ethel

wow sis ganda ng view ah! kami rin pag nag byahe sa pasikotsikot na daan kami dumaan hehehe mas maganda kase.

Happy Christmas!

honga pala mahilig kaba ng siggy meron ka dun sa bahay ko.

 

At 12:08 PM, Anonymous cathleen

andami namang mggandang place jan sa KOrea! buti, nppntahan mo--at ns-share s min! hehe..

gusto ko rin mag-tour jan..waaah!

sna rn, mging close kmi ng mgging mother-in-law ko.,.

 

At 1:26 PM, Blogger nona

ang ganda ganda diyan sa Korea...sarap naman talaga magroad trip kapag maraming baon :D
How do you celebrate the Christmas holiday? meron din ba diyan?

Merry Christmas!

 

At 5:01 PM, Anonymous juana

sorry ako yung anonymous.

di ko napansin!

 

At 4:31 AM, Blogger Yen Prieto

lalu ako naengganyo pumunta ng korea haha..

si uppa kwon sang woo nsa pinas nkakainis sna anduna ko waaaaaaahh..

merry xmas sis...

 

At 9:05 PM, Blogger racky

paki-click na lang ito

 

At 3:14 AM, Blogger maureen

awww ^^
happy anniv :D

 
Google